Patuloy ang pagyanig ng malalakas na aftershocks sa Japan kasunod ng magnitude 8.9 na lindol kahapon na nagdulot ng tsunami. may naitalang magnitude 6.8 at 7.1 na aftershock.Ayon sa US Geological Survey, simula nang mangyari ang lindol kahapon, umaabot na sa 120 mga aftershocks ang yumanig sa Japan kung saan 110 dito ay higit sa magnitude 5.0.Napag-alaman na nagdulot ng nakakamatay na tsunami ang malakas na lindol kung saan halos na-washout ang lungsod ng Sendai na siyang sentro ng lindol.Ang nangyaring pagyanig kahapon sa Honshu island ang siyang naitalang pinakamalakas sa kasaysayan ng Japan.Sa ngayon higit 300 na ang kumpirmadong patay sa kalamidad.Hanggang ngayon patuloy naman ang sunog sa mga istruktura sa Sendai partikular ang mga oil pipeline.Lalo pang nadadagdagan ang bilang ng mga nasawi sa magnitude 8.9 na lindol na tumama sa Japan kahapon at sinundan ng tsunami.Batay sa report ng mga otoridad sa Japan, higit 900 na ang kumpirmadong patay sa nangyaring kalamidad.Ayon kay Japanese Prime Minister Naoto Kan na nagsagawang survey sa mga lugar na apektado ng tsunami sa pamamagitan ng eroplano, ang mga dating kabahayan o residential areas ay tinangay ng higanteng alon habang ang iba ay nasusunog o kilala sa tawag na RING OF FIRE. Ngunit ayon sa mga opisyal ng Japan, asahan nang lumagpas pa sa 1,000 ang mga nasawi sa pagtama ng tsunami.Sa ngayon nasa 215,000 katao ang mga nasa evacuation centers sa Japan.
Reaksiyon: wew? Kakatakot na talaga ang mga pangyayari, sunod sunod na kalamidad na ang ngyayari sa ibat ibang bansa.. mayroon naring lindol na naganap sa banang Pilipinas at sa iba pang panig ng mundo .. senyales na ba ito na malapit na ang katapusan ng mundo?????
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento