Lunes, Marso 21, 2011

"Kaguluhan Sa Libya"

Buong araw na nagsagupaan ang mga raliyesta at puwersa ni Libyan Leader Moammar Gadhafi partikular malapit sa Tunisian border.Ito ay bahagi ng opensiba ng gobyerno na mabawi ang mga lugar na kontrolado ng anti-government forces.Napag-alaman na ang Tripoli na lamang at ilang lungsod sa paligid nito ang hawak ni Gadhafi.Kasabay ng buong araw na sagupaan, nabawi ng mga kaalyado ni Gadhafi ang Tunisian border na kinontrola ng nagpoprotesta.Bukod dito, umaabanse na rin ngayon ang puwersa ni Gadhafi sa Misrata at Al Zawiyah upang bawiin ang dalawang lungsod mula sa mga demonstrador.Lalo namang tumitindi ang international condemnation laban kay Gadhafi.Ang Libyan Embassy sa Washington ay inanunsyo nang papalitan ang bandila ng bandila ng bansa bago manungkulan ang Libyan leader.Ayon pa kay Libyan Ambassador to US Ali Suleiman Aujali, higit na sa 2,000 ang patay sa kilos protesta sa Libya. 
Reaksiyon: Ang kaguluhang itong naganap sa bansang Libya na siyang naging dahilan ng pagkasawi ng 2000 na kataong nasawi ay sanhin na rin marahil ng kawalan ng kapangyarihan at kapabayaan ng kanilang pamahalaan na kontrolin pa ang kanilang nasasakupan. Gayundin ang maling pamamaraan ng pagpapalakad sa bansa ng kanilang pinuno.\
  

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento