Lunes, Marso 21, 2011

"Ombudsman for Senate Trial"

Sa kabila ng naging resulta ng botohan sa House of Representatives sa articles of impeachment laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez, nagpasalamat na rin ang opisyal sa mga mambabatas na nagdepensa sa kaniyang panig sa plenaryo ng mababang kapulungan.Sa panayam ng Bombo Radyo kay Atty. Anacleto Diaz, abogado ng Ombudsman, sinabi nito inaasahan na nila ang resulta ng botohan kaninang madaling araw at ito umano ay kanila ng tinatanggap.Sa ngayon ay pinaghahandaan na umano nila ang pagpapalakas ng kanilang depensa sa gagawing impeachment trial sa Senado."Nagpapasalamat na rin kami sa mga kongresista na kahit papaano ay ipinagtanggol si Ombudsman Gutierrez at ngayon ay pinaghahandaan na namin ang aming depensa Senado, " ayon sa abogado.Sa hiwalay na pahayag ni Senate President Juan Ponce Enile, inaasahan na sa buwan ng Mayo pa pormal na masisimulan ang paglilitis laban sa Ombudsman.Kaugnay nito, tiwala naman si Atty. Diaz na magkakaroon na sila ng patas na pagkakataon para maihayag ang kanilang panig."Tiwala kami na pagdating sa Senado ay patas na ang laban. Mabibigyan na kami ng pagkakataon para maipresenta ang aming mga ebidensiya para pabulaanan itong mga alegasyon laban kay Ombudsman Gutierrez."
   :

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento