Lunes, Marso 21, 2011

"Lindol Sa Pilipinas"

MANILA, Philippines - Nilindol na may lakas na magnitude 6.0 ang mga lugar sa Metro Manila at mga karatig lala­ wigan kahapon ng ala-1:29 ng tanghali.Sa tala ng Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang lokasyon ng lindol ay na­itala sa may 73 kilo­metro ng kanluran ng Lubang Island at ang lalim nito ay shallow at ang origin ay tectonic.Bunsod nito, naram­daman ang lakas ng lindol sa intensity 5 sa Looc Lubang Island Occidental Mindoro at Manila City, intensity 4 naman sa Quezon City, Mandaluyong City, Ma­kati City, Pasay City, Taguig City at Pasig City at sa Talisay, Batangas.Intensity 3 naman sa Bagac Bataan, Canlu­bang, Laguna, Clark Pam­panga, Rosario, Trece Martires Cavite, Marikina City at Tagay­tay City at intensity 2 naman sa Calamba, Laguna, Puerto Galera at Oriental Mindoro.Ayon sa Phivolcs, inaasahan na nila ang aftershocks makaraan ang pagyanig na ito pero wala namang na­italang pinsala ang lindol sa mga ari- arian at tao.Matapos ang lindol, sabay-sabay naman na pina­inspeksiyon ni Manila City Building chief Engr. Melvin Balagot, ang mga lugar sa May­nila na may maraming mga gusali.
Ayon kay Balagot, ka­bilang sa mga siniya­sat ay ang lugar ng Bi­nondo, San Nicolas, Quiapo, Ermita at University Belt.Sinabi ni Balagot na kailangang masiyasat ang mga gusali kabilang na ang mga condemn building upang matiyak na ligtas pa rin ang mga ito.

Reaksiyon: Masasabing patuloy ang pagganap ng mga kalamidad.,kung kayat tayo'y dapat na magsipaghanda, upang makaiwas sa mga sakunang nagaganap sa ating bansa. Patunay lang na dapat na tayong magsipagingat.


       


"Gadhafi sa Tripolli, Mulng inatake"

TRIPOLI - Muli na namang inatake ng international coalition force ang compound ni Libyan Leader Mommar Gadhafi.Ito ang iniulat ng Libyan state TV na pag-aari ng Gadhafi subalit hindi pa malinaw kung ano ang mga pinsala.Ito na ang ikalawang araw ng pagpapalipad ng missiles sa compound ni Gadhafi kung saan kahapon nawasak ang apat na palapag na gusali sa compound.Napag-alaman na binulabog na naman nitong umaga ng mga pagsabog ang kabisera ng Libya na Tripoli.Maging ang naval base sa Tripoli ay binomba ng coalition forces.Pero sa kabila ng pag-atake sa kaniyang compound, hindi pa rin nagpapakita ang lider.Lumabas ang ilang espekulasyon na posibleng wala na sa Tripoli si Gadhafi.Maging ang Amerika, aminado na wala na itong alam sa akitibidad ni Gadhafi ngayon.
Reaksiyon: Patuloy ang kaguluhan na nagaganap sa ibang bansa.Ito ay dahilan sa di epektibong pamumuno kaya naman ang mga mamamayan ay ngrerebelde. Sanhi ng pagkakaroon ng kaguluhan.

 

"Ombudsman for Senate Trial"

Sa kabila ng naging resulta ng botohan sa House of Representatives sa articles of impeachment laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez, nagpasalamat na rin ang opisyal sa mga mambabatas na nagdepensa sa kaniyang panig sa plenaryo ng mababang kapulungan.Sa panayam ng Bombo Radyo kay Atty. Anacleto Diaz, abogado ng Ombudsman, sinabi nito inaasahan na nila ang resulta ng botohan kaninang madaling araw at ito umano ay kanila ng tinatanggap.Sa ngayon ay pinaghahandaan na umano nila ang pagpapalakas ng kanilang depensa sa gagawing impeachment trial sa Senado."Nagpapasalamat na rin kami sa mga kongresista na kahit papaano ay ipinagtanggol si Ombudsman Gutierrez at ngayon ay pinaghahandaan na namin ang aming depensa Senado, " ayon sa abogado.Sa hiwalay na pahayag ni Senate President Juan Ponce Enile, inaasahan na sa buwan ng Mayo pa pormal na masisimulan ang paglilitis laban sa Ombudsman.Kaugnay nito, tiwala naman si Atty. Diaz na magkakaroon na sila ng patas na pagkakataon para maihayag ang kanilang panig."Tiwala kami na pagdating sa Senado ay patas na ang laban. Mabibigyan na kami ng pagkakataon para maipresenta ang aming mga ebidensiya para pabulaanan itong mga alegasyon laban kay Ombudsman Gutierrez."
   :

"Pastor at Misis pinatay dahil sa RELIHIYON"

CAGAYAN DE ORO CITY - Patuloy ngayong iniimbestigahan ng pulisya ang motibo sa pag-patay sa mag-asawa sa Brgy. 32 sa lungsod ng Cagayan de Oro kaninang madaling araw.Kinilala ang biktima na si Teodoro Badilla, 62, pastor ng Born Again Church at ang kanyang maybahay na si Rebecca Chan-Badilla, pawang mga residente ng nasabing barangay.Samantala, kinilala naman ang suspek na si Jayjay Topia, 22, na kapitbahay lamang ng mga biktima.Natagpuan na lamang ang mga bikitima na wala nang buhay sa loob ng kanilang bahay at naliligo sa sariling dugo.Bandang alas 3:00 umano kaninang madaling araw nang pasukin ng suspek ang silid ng mag-asawa at walang habas itong pinagsasaksak.Nagtamo ng 14 na saksak sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan si Teodoro habang tatlong sugat rin ang natamo ni Ginang Rebecca na siyang sanhi ng kanilang kamatayan.Ayon kay PO3 Jojo Lim, imbestigador ng Cogon Police Station, batay sa kanilang inisyal na imbestigasyon, posibleng matinding galit ang motibo ng suspek sa pagpatay sa mga biktima.Itoy dahil umano sa paninira na ginagawa ng mag-asawa sa ibang mga relihiyon, lalo na sa Katoliko.Sinabi pa ni PO3 Lim na kanilang isinantabi ang anggulo na pagnanakaw ang motibo ng suspek.Samantala, inamin naman ni Jayjay Topia na siya ang pumatay sa mag-asawa.Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ng suspek na kanya itong nagawa dahil umano sa kanyang galit sa mga biktima dahil sa paninira na kanilang ginawa sa relihiyong Katoliko.Ngunit sinabi nito na wala siyang sayad sa utak at hindi rin siya gumagamit ng iligal na droga.
Reaksiyon: Ang pagkakasalang nagawa ng suspek ay kanya ng napagsisihan at tapos nadin ang kanilang patglilitis sa korte. Sa lahat ng naniniwala na buhay ang Diyos, Hindi ang relihiyon ang magliligatas sa atin kundi ang ating pananampalataya.\

    

"Super Moon"

March 9,2011, around 3 p.m .. Nakita ang pinakalamalaking buwan na naitala simula noong 1993, and mabilis na pagikot nito ang naging dahilan ng paglapit ng buwan sa ating mundo. Ang unti unting pagikot nito ay patuloy na nagiging tanung sa mga tao kung ito ba ay makakabuti o makakasama. Ang mga siyentipiko ay pinag-aaralan ang pagikot ng buwan at unti unting paglapit nito.


Reaksiyon: Maraming naghihinala na ang SUPERMOON daw ang naging dahilan ng ibat ibang kalamidad na nararanasan ngayon. Marami sa kanila ang naniniwala dala ng kamalasan nito. Ngunit hindi naman natin maaring maisisi dito ang mga masasamang pangyayare na nagaganap sa mga bansa. Sapagkat dahhilan narin ito ng kapabayaan ng mga naninirahan dito.


   

"Nuclear Power Plant sa Fukushima Japan"


Isang malaking hamon para sa mga nuclear scientist at mga engineer sa buong mundo ang nangyaring pagsabog ng nuclear power plant sa Fukushima Japan.
Ayon kay AGHAM Partylist Rep. Angelo Palmones, dapat umanong maging bukas pa rin ang bansa sa pag-aaral sa paggamit ng nuclear power plant.
“Instead of fear, the Japan experience after the recent 8.9 magnitude quake must push more research on increasing containment and safety measures,” ani Palmones.
Maliit lang umano ang bantang radiation nito kompara sa naibibigay nitong tulong para sa pag-uunlad ng ekonomiya ng Japan.Iginiit ni Palmones na dapat manatiling bukas ang gobyerno ng Pilipinas sa paggamit ng nuclear power bilang alternatibong pagkukuhanan ng  enerhiya.
Kaya umanong sustentuhan ng nuclear power ang enerhiya ng bansa lalo na patuloy na lumalaki ang bilang ng populasyon.

Reaksiyon: Ang pagsabog ng powerplant na ito sa japan ay isa sa naging dahilan ng pagkatakot ng mga mamayan,, makakaapekto ito sa kalusugan ng tao.. Dahilan dito my mga taong nagapakalat ng mga text messages na maaring mfgkacancer o malagas ang buyhok kapag naulanan sa labas dahilan sa ang patak ng ulan ay may kaalinsabay na mga chemical dahilan ng pagsabog.

  


"Tokyo Disaster"

Patuloy ang pagyanig ng malalakas na aftershocks sa Japan kasunod ng magnitude 8.9 na lindol kahapon na nagdulot ng tsunami. may naitalang magnitude 6.8 at 7.1 na aftershock.Ayon sa US Geological Survey, simula nang mangyari ang lindol kahapon, umaabot na sa 120 mga aftershocks ang yumanig sa Japan kung saan 110 dito ay higit sa magnitude 5.0.Napag-alaman na nagdulot ng nakakamatay na tsunami ang malakas na lindol kung saan halos na-washout ang lungsod ng Sendai na siyang sentro ng lindol.Ang nangyaring pagyanig kahapon sa Honshu island ang siyang naitalang pinakamalakas sa kasaysayan ng Japan.Sa ngayon higit 300 na ang kumpirmadong patay sa kalamidad.Hanggang ngayon patuloy naman ang sunog sa mga istruktura sa Sendai partikular ang mga oil pipeline.Lalo pang nadadagdagan ang bilang ng mga nasawi sa magnitude 8.9 na lindol na tumama sa Japan kahapon at sinundan ng tsunami.Batay sa report ng mga otoridad sa Japan, higit 900 na ang kumpirmadong patay sa nangyaring kalamidad.Ayon kay Japanese Prime Minister Naoto Kan na nagsagawang survey sa mga lugar na apektado ng tsunami sa pamamagitan ng eroplano, ang mga dating kabahayan o residential areas ay tinangay ng higanteng alon habang ang iba ay nasusunog o kilala sa tawag na RING OF FIRE. Ngunit ayon sa mga opisyal ng Japan, asahan nang lumagpas pa sa 1,000 ang mga nasawi sa pagtama ng tsunami.Sa ngayon nasa 215,000 katao ang mga nasa evacuation centers sa Japan.
Reaksiyon: wew? Kakatakot na talaga ang mga pangyayari, sunod sunod na kalamidad na ang ngyayari sa ibat ibang bansa.. mayroon naring lindol na naganap sa banang Pilipinas at sa iba pang panig ng mundo .. senyales na ba ito na malapit na ang katapusan ng mundo?????